Monday, June 20, 2011

LOVE'S ASTRONOMY

pilit ko man siya habulin ay di ko masabayan.
para kaming nag-lalaro ng takbuhan,
sa laro na ako ang taya at siya ang aking tatayain.

ngunit di ko siya mahabol...sadyang napakabilis,
tulad ng buwan na di magkasabay sa pagsikat ng araw.

ang langit ang saksi sa aking kalungkutan.
ang langit din ang nagpapalayo sa aming landas,
habang nakatingin ang mga bituin --- malapit man ito o malayo.
sila na nakakakita ng aking kagandahan,
na sumasalo sa aking liwanag,
na naghihintay na mapansin ko sila.
malas nila at di nila mapantayan ang kalakihan ng aking araw
kahit na walang sawa silang kumikislap na parang bang nagpapa-cute.

kaya't patuloy ko parin hahabulin ang landas niya
habang patuloy din siya iniikutan ng ibang planeta sa aksis nito.
hihintayin ko nalang ang aming pagtatagpo,
kung saan masosolo ko ang liwanag niya at matataya ko din siya.
titingin lahat ng tala sa kalangitan,
titigil ang lahat sa aming pagkikita
at kahit ang kapangyarihan ng kalangitan ay di ito mapipigilan
ang eclipse na ilang minuto lang ang itatagal.

No comments: