Sunday, May 29, 2011

ULAN

karamihan ng tao ayaw ng ulan...
hassle kasi 

mahirap sumakay
traffic...
pero hihintayin ko lagi ang pagbuhos ng ulan
kaysa sumikat ang araw na di mo man lang ako napapansin.
magbabakasakali na makita mo ako sa gitna ng ulan.
hinihintay talaga kita...
na ayain mo ako makisilong sa dala mo na payong...
para makasama ka
para makasabay ka
para makatabi ka
para makaakbay sayo
para maramdaman ko man lang na concern ka sakin.
dahil pagkatapos ng ulan 
alam ko babalik ulit sa dati ang lahat...
lalabas ang bahaghari, sisikat ang araw,
mapapangiti ka at ititiklop ang payong
titingin ka sa kabilang direksyon
at ako ay di na mapapansin ulit...

hanggang sa muling pagbuhos ng ulan!

No comments: