Monday, May 30, 2011

TATLONG SAGOT MULA SAYO...

Kapag tinanong ba kita ngayon, ano ang isasagot mo sakin?

"OO"
pero nahihiya ako
pero natatakot ako
pero mahihintay mo ba ako?
"EWAN"
bahala na si batman
marami pa ang pwedeng mangyari
malay natin hindi tayo ang meant-to-be
"HINDI"
dahil meron iba
friends lang talaga 
mas okay na ganito, baka magka-ilangan pa tayo

Kapag tinanong kita ngayon magbabago ba ang tingin mo sakin?

"OO"
kasi babae ka
"EWAN"
dahil wala naman akong pakialam sayo
"HINDI"
natuwa pa nga ako eh!

Kapag tinanong kita, sasagot ka kaya
o titignan mo lang ako at mananahimik?

sayang, tatanungin sana kita kaso babae ako...
kaya hahayaan ko nalang na hindi masagot ang tanong ko sayo.


No comments: